Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Ang tao pag umibig, di maiwasang masaktan. Di mo malalaman kung talagang nagmamahal ka na sa pakilig-kilig lang, pa-sweet-sweet, o konting tampuhan. Nasusubukan at napapatunayan mo, hindi sa taong mahal mo, kundi sa sarili mo na nagmamahal ka na ng tunay kung mararanasan mong masaktan ng dahil sa kanya. Pwedeng magseselos ka sa ibang tao, hindi lang sa wala kang tiwala sa kanya, kundi dahil ayaw mong maagaw sya ng iba at mawala sayo. Pwedeng mag-aaway kayo dahil sa mga bagay na hindi nyo mapagkakasunduan at makikilala nyo ang totoong pag-uugali ng isa’t-isa. Pwede ring ipagpalit ka nya sa iba kahit na ibinigay mo pa ang lahat na sa tingin mo’y nakakapagpaligaya sa kanya. Maraming pwedeng maging dahilan, pero sa sarili mo ikaw ay may mapapatunayan at yun ay kung nagmamahal ka na bang tunay. Kung di mo sya mahal, madali lang syang kalimutan, ipagpalit, o balewalain. Walang halaga. Kapritcho lang sya sayo. Pero kung mahal mo na syang totoo, masasaktan ka ng todo. Sobrang sakit na parang gustuhin mo na lang maglaho na parang bula o ipagdasal mong magka-amnesia ka para mabura lahat ng alaala mo sa kanya. Pero iiral pa rin ang pagmamahal mo sa kanya na kahit nasasaktan ka na ng sobra, mahal na mahal mo pa rin sya. Mas pipiliin mo na lang na magparaya basta masaya lang sya. Mas pipiliin mo na lang ding pilit kalimutan ang sakit kesa gumanti sa taong mahal mo. Mas pipiliin mo na lang ding ibaling sa ibang bagay o tao ang atensyon mo para ipakita lang sa taong mahal mo na ayos ka lang kahit hindi naman. Ganun talaga pag nagmahal ka ng totoo. Masasaktan at masasaktan ka, pero mas iisipin mo pa rin na sana nasa maayos na kalagayan ang mahal mo. Pilit mo mang itago sa mundo ang lahat ng sakit at paghihirap mo, at pilit ding itago na may pakialam ka pa sa kanya, pero di mo maloloko ang sarili mo. Okay lang yan. Ganun talaga pag nagmahal ka na ng tunay at totoo, masaya pero mahirap, masakit, magulo, at di mo maiintindihan ang mararamdaman mo. Lilipas din ang sakit. Kelangan lang ng sapat na panahon kase di agad mawawala o kukupas ang pag-ibig sa puso mo kung ito’y totoo. Wag mo lang ipagkait sa sarili mo ang pagkakataong pwede ka pang magmahal ulit. Punong-puno ng pagmamahal ang puso mo na pwedeng-pwede mo pang maibigay sa taong magmamahal din sayo ng totoo. Magmahal ka lang. Wag mapagod. Masaya at masarap magmahal. Ang pusong nasaktan, maghihilum din dahil mas makapangyarihan ang pag-ibig kesa ano pamang sakit na kalakip nito.