Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal kita.
Minahal kita.
Minamahal kita.
At mamahalin pa.

Dalawang salita, tatlo sa ibang wika.
Apat na pantig, ako nga’y kinikilig.

Kinikilig, pangalan mo pa lamang ang nasasambit.
O ang lahat nga sa iyo’y aking iniibig.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Iniibig mula noon, at magpahanggang ngayon.
Wala ng makakapigil, kahit sino pa man iyon.

Iyong mga pangyayaring nilipas ng panahon.
Aking ipipinta sa puso’t isipan upang magkaroon ng direksyon.

Direksyong tinahak ko patungo sa puso mo.
Maraming salamat at ako’y tinanggap mo nang buo.

Buong buo rin kitang tatanggapin, dito sa aking piling.
Halika na’t simulang maglakbay sa lugar na matatawag nating atin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required