Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Wala naman akong magagawa. Pinili ko to eh. Choice kong mahalin ka kahit alam kong may iba kang hinihintay. Choice kong maging masaya sa piling mo kahit wala namang tayo. Choice kong piliin ka kase masaya ko sa’yo kahit sa dulo alam kong masasaktan ako. Basta ba makita din kitang masaya nawawala lahat ng alalahanin ko. Nawawala ‘yong mga nasa isip kong sa dulo ako ang talo. Nawawala yon basta makita at malaman kong masaya ka. Kahit hindi ka masaya dahil saken, makita ko lang na nakangiti ka or ‘yong kakulitan mo, wala na tunaw na ko. Pero ganun pala talaga. Kapag mahal mo kahit hindi na ikaw piliin or kahit sa ibang tao s’ya masaya, masaya ka pa rin. Tama, mamahalin nalang kita sa paraang alam ko. Ipapdama ko sa’yo ‘yong pagmamahal na deserve mo kahit ako’y malayo. Kahit naghihintay ka para sa kanya, pwede akong maging tambayan bago s’ya dumating para di ka mapagod. Mamahalin kita kahit alam kong hindi kailanman magiging tayo. You’re worth it.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required