Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nais ko lang magpasalamat sa lahat ng iyong nagawa.

Salamat sa tawanan, kwentohan at biruan.

Salamat sa payo at pakikinig.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Salamat sa pagkakaibigan at sa kunting bangayan.

Salamat na rin sa kilig na iyong naidulot. Hindi mo man alam ang liwanag na iyong dala, napapasaya mo’ko sa tuwing kasama kita.

Salamat sa pang-unawa at pagmamalasakit.

Salamat na rin sa sakit.

Alam ko naman noong una pa na hindi mo talaga ako makikita higit pa sa kaibigan.

Ako lang naman ang sumugal at naniwalang baka pwedi. Baka ‘pag nag hintay ako at nagdasal eh magyayari. Mangyaring baka tayo sa huli.

Salamat na kahit nalaman mong gusto kita, hindi ito naging hadlang sa ating pagkakaibigan.

Salamat at hinayaan mo ‘kong magustohan ka. Hindi ka lumayo. Hindi ka nagbago.

Salamat at hinayaan mo ‘kong maging bahagi ng buhay mo.

Salamat at hanggang dito nalang siguro.

Akala ko kasi wala paring magbabago. Akala ko hindi ka kalian man lalayo.

Minsan ansarap nalang isipin na kaya ka nagbabago at lumalayo dahil gusto mo na rin ako at gusto mong protektahan ang mga puso natin.

Pero ayoko ko ‘tong isipin kasi ayokong mas masaktan sa dulo.

Ipagdarasal pa rin kita. Pero patutulogin ko na muna ang pusong naiwan sa kawalan.

Salamat na lang sa lahat. Hanggang dito na lang kaibigan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required