Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naaalala ko unang beses na nag wave ka

Mensaheng dalawang beses kong napuna

Hindi ko na sana titignan pa

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ngunit sa kabilang isip bat pinilit pa

Di ko alam kong san at paano

Pero iisa lang ang alam ko,

Na sa bawat palitan natin ng salita

Nahuhulog Ako at dina mapigil pa

Ikaw ang dahilan kong bakit masaya ang bawat paggising sa umaga at pag tulog sa gabi

Pagod ko’y iyong pinapawi

Ngiti ko sa labi ikaw ay dahilan

Alam mo bang bago kita nakilala

Nasanay akong mag-isa

Hindi ko alintana na mag-isa

Dahil masaya Ako, masaya…

Ngunit naiba ang ihip ng hangin

Mas masaya pala dahil nakilala kita

Hindi ko lubos maisip na isa ka sa dahilan ng bawat kong kilig

Boses mong hindi nakakasawang pakinggan

Natatawa nga Ako tuwing kumakanta ka

Kahit napaka sintunado mo Ako’y iyong napapakilig

Hindi ka nag sawang kulitin Ako ng mga tawag mo

Ang saya, napaka-saya

“di kompleto ang araw mo kong hindi ako ang nakikita at nakakusap mo”

Yan ang lagi mong sambit

Pinapakilig mo ang mundo ko

Mga larawang iyong binibahagi nagpapakulay ng bawat araw ko

Hindi naging dahilan ang layo distansya

Maging ang agwat ng oras nating dalawa

Kwentohan nating hindi nakakasawa

Telebabad at puyat kapalit ay isang worth it na oras

Ngunit isang araw diko alam ang dahilan

Bigla kang umiwas

Diko alam,

Diko alam ang dahilan

Biglang lumamig ang iyong dating init

Isang araw nagising na lang Akong wala ng mensaheng galing sayo

Wala ng larawang nagpapakilig ng bawat araw ko

Wala ng boses ang mga mensahe mo

Sinubukan kong tanongin ka

Ngunit walang salita ang lumabas sa iyong mga labi

Isa lang ang sagot ng iyong pag layo

Hula ko “Sawa ka na” oh baka may “iba na”

Ang bilis mong sumuko

Ngayon ay dahan dahan na Akong lalayo

Uusad Ako na hindi ka na kasama

Ngayon ay uunti-untihin kong aalisin ka sa mga pangarap ko

Ang iyong magagandang mata ay alam kong ngumingiti pa rin

Pero alam ko ding hindi na Ako ang dahilan

Sana alam mong mahal kita

Mahal na mahal kita

At sa dulo ng aking tula

Ito na din ang huling beses na sasabihin kong “Mahal kita”

Dahil alam kong wala na….

Salamat, salamat sa kilig at sa dulot mong saya. 🥀

Send me the best BW Tampal!

* indicates required