Sampu
Categories Waiting

Sampu

Isa. Isang buwan tayo nun nung naghiwalay tayo.

Pinilit ko paring maayos yun para lang sa tayo.

Ginawa ko lahat ng di ko gawain para lang maging tayo.

Tiniis ko lahat ng sakit at pagdududa sa sarili maging okay lang ulit tayo.

 

Dalawa. Nakadalawang bote ako ng gin kagabi.

Umaasang maibsan ang hapdi.

Hapdi ng katotohanang di na tayo tulad ng dati.

Na may iba kanang inuuna, di tulad ng dati.

 

Tatlo. Tatlong taon tayo bago tayo ulit maghiwalay.

Napagtanto ko na di ko pala kayang sayo ay mawalay.

Pinagtulakan at sinaktan mo ko ng harapan.

Pero andito parin ako handa ulit masaktan.

 

Apat. Naka apat na oras at apat na sigarilyo ako bago ako makatulog.

Umaasang kausapin mo ko bago ka matulog.

Hinihintay dalawin ng antok.

At umiiyak habang inaantok.

 

Lima. Limang beses kong sinuntok sarili ko. 

Umaasang panaginip lang lahat ng to.

Sinuntok ko pati pader kase dahil wala nang mas sasakit pa dito.

Nagwala, nagbasag at nasugat, wala na palang mas sasakit dito.

 

Anim. Anim na talata ang naisulat ko mula kagabi. 

Naubusan na ko ng tinta at puro luha na ako sa pisngi.

Sinubukan kong magsulat pa kaso ayoko na.

Naubusan na ko ng inspirasyon na pasayahin ka.

 

Pito. Pitong beses kong inisip kung kaya ko bang mawala ka. 

Ngunit walong beses ko ding inisip kung bakit ayokong mawala ka.

Siyam na beses kong niloko sarili ko.

At sampung beses kong tinanggap lahat ng malalaman ko.

 

Walo. Walong beses kong sinabe sa sarili kong huwag umiyak pag kasama kita.

Hindi ko kinaya dahil mahal talaga kita.

Pagod na kong umiyak.

Pota yung puso ko para na talagang mabibiyak.

 

Siyam. Siyam na oras akong naghintay sayo nung martes.

Kaso di mo ko kinausap, putres!

Naniwala sa pangako mo.

Pangakong pinako mo.

 

Sampu. Sampung araw akong maglalasing.

Kelan mo ba balak sumama na talaga sakin?

Araw araw nangangarap na ikaw ay makuha ko ng buo.

Dahil ikaw lang ang bubuo sa pagkatao kong naguho.