Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Kapag nakita na kita
hindi na kita pakakawalan
ikukulong saking mga bisig
kahit na hindi kalakihan
Kapag nakita na kita
ikaw ay aking aalagaan
araw araw na liligawan
sa aking sariling paraan
Kapag nakita na kita
oras ko sayo’y ilalaan
ipaparamdaman palagi
na ako’y maaasahan
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Kapag na kita na kita
gagawin ang aking makakaya
upang ika’y palaging mapasaya
dahil ngiti ang aking gustong makita
sa iyong mga labing mapula
Kapag nakita na kita
hindi na kita iiwan pa
gusto kong ikaw na
habang buhay na makakasama
Sana makita na kita…