Minsan mapapaisip ka nalang na andaya ni tadhana kasi pinagtagpo ka niya sa taong hindi pwedeng maging sayo. Yung pagkatapos mo maramdaman ang sobra sobrang saya Ay ipaparamdam niya naman sayo ang lungkot. Lungkot na sasamapal sayo at magpaparamdam sayo na hindi pwedeng maging kayo

Alam kong mahirap at alam kong mali na mahalin kita kahit may mahal kang iba. Alam kong di dapat at dapat kong pigilan ang aking nararamdaman sa tuwing kausap at kasama kita pero minsan nangangarap nalang ako na

Sana ako nalang siya..

Sana ako nalang siya na mahal na mahal mo ng sobra

Sana ako nalang siya na gagawin mo ang lahat para magkasama lang kayong dalawa

Sana ako nalang siya para araw araw ko makita ang ngiti mong kay ganda

Sana ako nalang siya yung lagi mong hanap hanap sa araw araw at tuwina

Sana ako nalang siya na bumubuo ng araw mo pag magkasama kayong dalawa

At sana ako na lang siya para hindi na ako nahihirapan ngayon ng sobra

Pero hindi pwede dahil mahal mo siya

Kaya ako ito maghihintay nalang na baka sakali mapansin mo ang nararamdaman ko para sayo at nagbabakasakali na isang araw ako naman ang mahalin mo na kahit alam kong malabo ay umaasa parin ako sayo. Kaya pasensya ka na kung makulit, papansin, at lagi hinihingi atensyon mo sayo lang kasi ako sumaya ng ganito. Pero sana kapag pwede na, pwede pa at pag pwede na, ramdam ko pa

Kaya sayo na nagpasaya sakin ng sobra sobra maraming salamat wag mo kakalimutan na andito lang ako lagi para sayo hindi ako iiwas, hindi ako maglalaho, at hindi ako magbabago pangako yan kahit hindi maging tayo pero

Sana ako nalang siya.