mag-isa na naman

nakatitig sa kawalan

puno ng pagtataka

kung bakit lumisan pa

litung-lito ang isip

lagi ka pa sa panaginip

napapagod na ang puso

ikaw pa rin tinitibok nito

hindi ko lang maamin

ang bigat sa damdamin

hindi pa kasi matanggap

na sa isang iglap

nawala ang lahat

naglahong walang bakat

alam kong may pagkakamali

pagkukulang sayo at sa sarili

handa namang bumawi

sana hindi pa ito ang huli.