I’ 22 years old and I never had a Boyfriend since Birth. Sa morning, teacher ako. Sa hapon, i’m helping my parents sa Business nila. Ganun lang ka simple ang routine ng buhay ko.

Then you came.

You were introduced by our common friend. All three of us lived in the same subdivision.

Nagmessage ka sakin sa fb and I decided to reply. Through out chitchats nalaman ko that I’m ahead ng 1 year sayo and you’re a criminology graduate and failed your board exam twice. Natakot ka pa nga kasi I might judge you kasi sabi mo, ako pumasa tapos ikaw hindi. Pero hindi naging hindrance yun kasi sabi ko I am willing to help you if you want to take the exam again. You told me na you like me and wanted to court me. Sabi ko, since it’s my first time magpapaligaw lang ako kung magpapakilala ka sa parents ko. Gusto ko kasi sa bahay magpaligaw dahil bukod sa Legal and panliligaw, naisip ko din na mas matipid kung sa bahay lang ikaw dadalaw.

Feb.26, Birthday ng kapatid ko. I invited you sa bahay and to my Surprise, you introduced yourself sa parents ko na you’re my suitor. Sa isip-isip ko, genuine ang intention mo kasi humarap ka sa parents ko. Pumayag naman sila eventually, ang bilin lang ni papa ay wag mo akong paiiyakin.

Then tuloy tuloy lang tayo sa pagchachat peep hindi na nasundanbyung pagkikita natin ng personal kasi you started working na sa isang company kasi sabi mo, mag-iipon ka muna. Ako naman busy din sa mga forms at paperworks. I know may mga priorities tayo pero kasi …

Yung mga dating long and sweet messages mo at naging short and cold

Yung dating pagdalaw mo sa bahay ay hindi na naulit pa

I tried to send you messages kaya lang niniseen mo lang

I even asked our friends kung okay ka lang ba, and they said kasama ka nila kagabi umiinom

I know hindi pa tayo, kaya lang alam kong duon ang punta natin. That’s what I believed. But Why? Bakit?

Kung sa huli ay wala kang balak na ipursue pa ako, why did you message me in the first place? Bakit?

Kung sa huli ay wala ka nang balak magpakita at magparamdam pa, why did you introduced yourself sa parents ko? Bakit?

Kung sa huli ay ituturing mo lang akong wala, why did you shatter my inner peace? Bakit?

Andami nang tumatakbo sa isip ko. Should I wait for you o should I moved on?

Why? Bakit?