Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nag aalangan man ako sa unang pagdating mo,

Sa paglipas ng ilang araw ito’y nabago mo.

Kahit hindi pa klaro ang intensyon mo,

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Handa na ako ulit buksan ang posibilidad na magiging bahagi ka ng araw-araw ko.

Lumipas ang ilang araw, linggo’t buwan

Pag aalala’y naiibsan,

Pagkausap ka, pag-ngiti koy di maiwasan,

Kahit alam ko na ‘di pa klaro ang intensyon mo.

Nagdesisyon tayong magkita isang araw,

Akala ko na ako na yung pipiliin mo araw-araw

Pero ba’t ganun? Nagbago ka nalang isang araw,

At napasabi nalang ako na “Matatanggap ko ito balang araw”.

Ngayon, tanggap ko na na di talaga tayo itinadhana,

Tanggap ko na na yung tawa’t sayang nadama pag ika’y kausap na ay maiipon nalang sa aking memorya,

Sana ay maging masaya ka,

Oh aking minsang naging “saya”‘

Send me the best BW Tampal!

* indicates required