Sana naging katulad ko ang scotch tape. Kakapit hangga’t kaya pa. Naririyan hangga’t gusto pa. Pero kapag dumating ang oras na mawawalan na ng bisa ang pandikit nito, alam na niya ang gagawin. Unti-unti na itong bibitaw at aalis ng walang pamimilit—yung kusa. Dahil ayaw na niya. Hindi na niya kaya. Wala na siyang bisa.

Hindi katulad ko na kumakapit pa rin. Laging nariyan. Hindi bumibitaw. Hindi umaalis. Kaya pa. Gusto ko pa. Kahit wala ng bisa. Kahit wala nang nagdidikit sa atin. Kahit wala ka na. Nandito pa rin ako. Nananatili.

Sana naging katulad ko ang scotch tape.

—balong.