Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Bakit hindi ka pa nagboboyfriend?”

“Kailan ka ba magjojowa?”

Ok, to clarify everything I want to share what are the things that I’m considering before having a relationship and this is not just to clarify things but to serve as a guide sa mga (atat) na kabataan (not generalizing tho) bakit sinasabing “mag-aral ka muna”. I know some of the Godly people alam na to pero marami ang hindi nakakaintindi ng convictions natin so eto..

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


  1. Emotional Stability

Parang kapangyarihan lang dba? Hahaha. So are you emotionally stable? Kaya mo na ba i-handle emotions mo? Kaya mo na bang kaharapin yung magiging struggles nyo? Nakamove on ka na ba sa ex mo? (In my case, since wala naman akong ex pero namodus na din ako ng lalaki HAHAHA) baka may hinananakit ka pa sa puso i-settle mo muna lahat to mesh! Kasi ang ending neto puro lang away isipin mo din yung mararamdaman ng guy mahohonor mo ba sya kung lagi mong idadahilan yung mood swings mo? Alam ko naman hirap may mood swings pero wag mo naman ilabas lahat ng inis mo sa kanya may feelings din sya GURL! Sino/ano ba mas importante yung emotions mo o sya? You choose.

  1. Mental Stability

Are you matured enough to enter into a relationship? For guys, are you matured enough to be the leader of your relationship? YES GURL!! Sya dapat pinaglelead mo hindi yung “dapat under sayo yung boyfriend mo” LIKE WTH!! Nanay ka ba nya ha? Nanay ka?? Tapos magrereklamo kayo sa huli ng “magpakalalaki ka naman” “ako na lang ba lagi magsasalba netong relasyon natin” GURL!!! IN THE FIRST PLACE KASI HINDI MO SYA BINIGYAN NG KARAPATAN GAWIN YUNG DAPAT SYA ANG GUMAGAWA! They are the leaders we are just their guide paano to? Halimbawa tinanong ka nya kung anong desisyon yung dapat nya gawin of course you would say yung makakabuti, you would SUGGEST not COMMAND kumbaga “babe! Mukhang ok naman yung desisyon mo, consider mo din to blah blah pero ikaw bahala kung ano sa tingin mo makakahelp sayo” ALLOW HIM TO DECIDE! Hindi yung desisyon mo lagi, hindi yung sya lang nagaadjust sayo lagi!

  1. Financial Stability

Oo mesh! Kasama to magastos ang magjowa meron nga jan gumagastos ng 5k para sa date eh LIKE? Estudyante ka pa lang? Saan mo nakukuha yan? Sa mga magulang mo syempre! “Sa baon ko naman to kinukuha” EH SAAN BA GALING BAON MO? Gesh!! Are you getting my point? Nanay mo nga di mo nabibilhan ng regalo tas yung girlfriend mo nakakapundar na sayo? (and vice versa) yung iba naman bibilhan yung nanay para walang masabi yung nanay na “buti pa yung girlfriend mo nabibigyan mo ako hindi” AYSOWS!! Pati nanay nini-ninja! Aral muna ha tapos trabaho ha. Though meron namang iba na sa kwek kwekan lang daw masaya na daw nagmamahal na din ang bilihin mesh magastos pa din to PLUS magkakahepa pa kayo edi naospital pa kayo pareho dba gastos? 😂

  1. Physical Stability

Dito na papasok yung time management, kaya mo na bang maglaan ng time, effort, commitment sa tao hindi naman kailangan na every minute magkatext kayo yun bang you make time para makasama sya (ang cringy neto bat ganon 😂) kasi kailangan mo din sya i-consider hindi puro trabaho, dapat may time ka din makipagdate sa kanya para mas makilala mo sya.

  1. Spiritual Stability

For me, ito yung pinaka binibigyan ko ng importansya I always ask myself “ok na ba relationship mo kay Lord?” “Nakakapagdevotion ka ba lagi?” “Inaask mo ba si Lord sa lahat ng magiging decisions mo?” “Do you honor Him sa mga decisions mo?” Ask yourself also, if hindi pa ok relationship mo kay Lord why would you enter another relationship? Unahin mo muna yung relationship mo kay Lord for sure you will never go wrong 🙂

I know there are people who wouldn’t agree with this pero I know waiting is worth it. Mas gusto ko magantay para sa taong pang-“till death do us apart” kesa magpaloko sa “till my attraction lasts”.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required