Single pero secretly taken
Categories Relationships

Single pero secretly taken

Sa panahon ngayon, napakadali ng communication. Kapag may nagustuhan ka, you could easily message someone at mapalapit sa kanya. Talaga ngang nawala na ang traditional way of courtship dahil parang sanay na ang lahat sa instant. Hindi lang pala sa pagkain may instant, pati pala “instant relationship” uso na. Kaya sa pagtatapos ng magulong ugnayan, instant rin na naglaho ang lahat. Nagkasakitan ng hindi inaasahan and worse, nag-iiwan ng mga marka sa puso na mahirap nang mag-hilom. Nakakalungkot isipin, pero wala na halos nanliligaw. Paano ba naman? Sa iilang chat lang tila ang bilis mahulog at ibigay ang puso, kahit na hindi pa siya sigurado. Maraming pumapasok sa relasyon na walang kasiguraduhan at walang label dahil feeling naman nila ay masaya sila at hindi na kailangan ng commitment. In front of other people single raw sila, pero kapag silang dalawa na lang ang magkausap, taken na pala. Tawagin na lang natin ang status na ito na “single pero secretly taken.”

Single daw pero umiiyak kapag nagtampuhan sila. Single daw pero todo selos kapag may kausap o kasama siyang iba. Single daw pero nagbibigayan ng kung ano-ano kahit walang okasyon. Single daw at todo deny kapag tinatanong kung anong meron sa kanila, pero may sabihan na ng “I love you.” Ano ba talaga? Single ka nga ba o sadyang niloloko mo lang ang sarili mo? Deceiving ang feelings, kaya sana pag-isipan mo. Bakit mo ibibigay ang puso mo sa isang taong hindi ka naman pinagtiyagaan na i-pursue? Why would you compromise your standards and values para sa isang tao na gustong makuha ka sa madali at mabilis na paraan? Why would you destroy your relationship with your friends and family at itago sa kanila ang katotohanan tungkol sa relationship status mo? Kung may nililihim ka at ayaw ipakita, then it only means that something is wrong.

Commitment will always be an issue. It is the proof of integrity and a person’s genuine heart. Kung talagang mahal ka ng isang tao, hindi siya matatakot na harapin ang lahat para lang makuha ang puso mo. Hindi ka niya dadaanin sa cheap efforts at paraan na walang kahirap-hirap sa kaniya. Hindi siya papayag na ma-compromise mo ang values mo, because he believes that you are a person worth pursuing. So please do not settle sa isang relasyon na hindi dumaan sa tamang proseso. Huwag kang pumasok sa magulong ugnayan, dahil siguradong kaguluhan sa buhay din ang dala niyan. So if you are dreaming of a relationship that is meant to last, stick to your standards and never compromise. Wait for that someone who is willing to pursue you, even if it seems hard and challenging.