Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa bawat araw na lumilipas

Ang mga alaala natin ay unti unti nang kumukupas

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Na para bang wala ng halaga at kinakalimutan mo na

Dahil ikaw pala ay nakahanap na ng iba.

 

Ngunit ako parin ay umaasa

Na ikaw ay mag babalik sa piling ko sinta

Dahil ikaw lang ang nais kong makasama

Hanggang sa ako ay tumanda.

 

Ngunit parang hindi umaayon ang tadhana

Sa pagmamahalan na meron sa ating dalawa

Dahil ikaw ay may nahanap na agad na  iba

At ako naman ay iniwan mo nalang na nag iisa

 

Ngunit bakit ako’y iyong pinagpalit

Nag laho na ba ang iyong Pag – ibig

Minahal mo ba ako talaga

O ginawa mo lang ako na pampalipas ng oras mo sinta

 

Siguro nga dapat na ako’y sumuko na

Dahil ang aking pinaglalaban ay wala ng patutunguhan pa

Dahil malinaw na sa akin na tayo ay tapos na

At hinding hindi na magkakabalikan pa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required