Current Article:

Sino ba ang mas nasaktan? Yung nang-iwan o ang iniwan

Categories Relationships

Sino ba ang mas nasaktan? Yung nang-iwan o ang iniwan

Sabi nila, mas nasaktan raw yung nang-iwan. Kasi yun nalang daw yung natitirang paraan to save them both from hurting each other. Sila raw kasi yung mas nakakakita nung mali sa relasyon nila, at sila yung mas matapang aminin na hindi na tamang ipagpatuloy pa ang relasyon nila. Na mas magiging masakit kung mag-stay pa sila together. Na it would be better for them to separate, than to stay committed in a relationship that’s not working anymore. That it is both killing them inside. Na mas okay nang itigil habang maaga pa, kesa ipilit hanggang dulo, tapos mauuwi lang din sa wala.

Pero para sa akin, parang mas masakit ata maiwan. Kasi wala siyang choice. Kung hindi tanggapin nalang, kasi ayaw na niya. Kahit gusto mo pang lumaban, at ilaban ang pagmamahal mo sakanya. Hindi na pwede, kasi tinapos na niya. Na kahit umiyak ka pa araw araw. Kahit magalit ka pa ng paulit ulit. Hindi na magbabago ang desisyon niya. Kahit gustong gusto mo pang lumaban, hindi na pwede. Mabuti sana kung after ka niya iwan, kapag natanggap mo na, magiging okay na ang lahat. Kaso hindi ganon, kasi magtatanong ka pa, kung san ka nagkamali. Kung anong kulang sayo. Kung ano yung mali sayo. Na bakit ka niya iniwan. Bakit hindi siya lumaban. Bakit hindi siya kumapit, bakit bumitaw nalang siya. Mga tanong na hindi mo alam kung masasagot pa ba or hindi na. Tatanggapin mo nalang talaga ang lahat lahat.

Letting go of the person you love the most is one of the hardest thing you’ll ever do. Kahit sobra mo pang mahal, kung hindi ka na niya mahal wala ka ng magagawa.