SINO SI AGORD
Categories Poetry

SINO SI AGORD

SINO SI AGORD

 

Sa pag gising palang sa umaga

sumasakit na agad ang aking mga mata

hindi sa init ng apoy,

kundi sa mga problema nang akoy,

nilamon kahapon nakipag habulan sa kabayo

nag tatabas ng damo kami ng aking katukayo.

Namamato nababato nag babato.

Nagliliyab, nag babaga at hindi ko namalayan

Ako na pala ang naging sanhi ng kamatayan.

Nilamon ng kabaliwan,

nagpasakop sa katiwalian.

Sa pag silip ko at pag ihip ko

tila bang nahihilo pa ako.

Nag tatago na baka mahuli at,

nakikiusap sa kaibigang ang lahat ay wag iulat.

Kamatayan ng aking mga pangarap ang dinanas,

sana pala hindi ako napasarap sa pag lamas.

Ngayong umagang  sakin ay gabi

sa dilim ng kinabukasang walang magulang sa tabi.

Sige pa ng sige sa pag takbo hanggang tumigil ang mga paa,

dahil sa bisyo ang aking kaibiga’y hindi na nasilayan ang bagong umaga.

 

Mahapdi ang aking mga mata, hindi dahil sa apoy.

Mahapdi ang aking mga mata dahil sa kunsensya.

Makirot ang mga labi kong haliparot,

nanginginig ang katawang takot na takot.

Eto pala si Agord ang taksil,

dahil nakasama ko lang siya ako na ay nakabaril.

Itong pinag sisisihan ko ng lubos,

sa demonyo ang kaluluwa ko ay matutubos

dahil matagal nang ubos ang pag mamahal saakin ng Diyos.