Hindi masabi ang nararamdaman Pilit na tinatago kahit nasasaktan Pero ayos lang, sapat na kahit kaibigan lang Masaya ako sa kung ano ang meron tayo Masaya ako sa iyong pakikitungo Masaya ako kapag masaya ka Masaya ako kapag kasama kita Pero kahit ganito ang nararamdaman Sana dumating ang panahon na iyong malaman Sana dumating ang panahon na iyong maramdaman Kaibigan ako'y nahulog na sa iyo ng tuluyan Ngunit nagpasya akong itago na lang Takot ako na baka may magbago Takot ako na baka ika'y lumayo Takot ako na baka magwakas ang ating pagkakaibigan Takot ako na baka mawala ka ng tuluyan Kaya gagawin ang lahat wag ka lang mawala Kung pwede lang kung pwede lang naman
Current Article: