Stop Over
Categories Relationships

Stop Over

May darating ngunit panandalian.
Nakatagpo ng pansamantalang kapahingahan.
Nakakapanibagong kapayapaan,
tila kanyang naramdaman.
Nag-umpisa sa kumustahan.
Hanggang ‘di namalayan may nabuong ugnayan.
‘Di maihahambing na kasiyahan,
Sa pagkakataong ito lamang naranansan.
‘Di nagtagal ika’y lumisan.
Dumiretso na sa dapat patunguhan.
Nakaglitaang ako’y hamak lamang na hintayan.
Walang nakalaan, kung may darating man ay walang kasiguruhan.