Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sumugal ako sa walang kaiguradohan
Hindi kita sisisihin ano man ang kahihinatnan
Kasi ako naman ang kusang nagmahal
Iniisip na baka sa huli tayo yung ikasal

Sobrang lawak lang talaga ng imahinasyon ko diba
Sa sobrang lawak hindi ko na nakita ang mga pulang bandera
Noon pa sana’y sinukuan na kita
Ngunit nagbakasali ako na baka sa huli tayo pala

Ipinaglaban kita sa puso ko’t isipan
Sinasabing baka worth it lahat ng ito sa dulo
Ngunit dumating din ang panahon na ako’y lubos ng nahihirapan
Ngayon, gusto ko ng sumuko at huminto

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Panahon na siguro upang pagmasdan ko
Mga posibilidad na hindi tayo para sa isa’t-isa
Mga kilos na ginagawa mo rin sa iba
Na tayo’y hanggang magkaibigan lang talaga

Tapos na ‘kong sumugal
Ubos na ang aking pang-taya
Pagkatapos ng dalawang taon ng purong pagdarasal,
Ayoko ko na

Salamat nalang sa lahat ng tawa at sakit
Dahil sayo natutunan kong maghintay
Dahil sayo mas alam ko na kung ano yung hinahanap ng puso ko
Dahil sayo nagmahal ako kahit di naman klaro

Ipagdarasal parin kita
Ngunit bilang kabigan nalang
Hindi na pwedi pang sumubra
Quota ka na

Mag-bago man ako ng kaunti
Magbigay man ng distansya sandali
Sana’y maintindihan mo
Na naghihilom pa ang mga sugat ko

Huwag kang mag-alala
Hindi mo kasalanan, ano ka ba
Ako nga yung sumugal diba?
Babalik ako ng maayos at masaya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required