Tae ng tinta #1
Categories Poetry

Tae ng tinta #1

 

“Eto na naman tayo”

 

Isang linya mula sa isang sikat na musika

Paulit ulit pinapatugtog sa mga oras na ako’y iisa

Pinangako sa sariliy hindi na ito ulit madarama

Laking ginhawa ng ikay nawala

 

Paka ilang ulit ng sinubukan

Nararamdaman ay diparin nasusuklihan

Tintay pagod at galit

Pilit na ikaw parin ang binabanggit

 

Sawa na ang buwan sa pakikpag usap sakin

Araw , ayaw narin akong libangin

Karagatang balak  akong lunirin

Bundok  gusto na rin akong ihulog sa bangin

 

Dalawang beses  akong tumalon

Utang na loob diko na kayang sisirin yang balon

Mula ulo hanggang paa

Kala ko nung una malalim ka

 

Pare-pareho nalang ang aking kwinekwento

Eto na naman tayo

Pagod  sa iyong nilalaro

Matagal ko ng iniwan ang taong nakilala mo

 

Ika’y aking papakawalan

Kakalimutan na ang pinagsamahan

Patawad sinta

Hanggang dito lang ang kaya ng aking tinta