TAGU-TAGUAN

Isang tula na naglalarawan ng nakalipas nating relasyon.

39

Taya! –

Mga salitang iyong sinambit

Hawak ang aking mga balikat,

Mga labi’y pinintahan ng ngiting ‘sing liwanag ng sikat ng araw,

Mga salitang patawa mong ibinulong,

Lumabas ng iyog mga labi na tila bang huling hininga,

Na naging hudyat ng aking pagkatalo.

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan –

Alas dies ng umaga nung ako’y inayang maglaro,

Aking umaga’y napuno ng saya at tawa

Pagkat ikaw ay kasama –

Pagkabilang ko ng sampu, kaylangan nakatago ka na.

Isa – 

Rinig ko ang halakhak na pilit mong pinipigilan;

Dalawa – 

Ramdam ko ang prisensya mong tila ayaw lumayo;

Tatlo

Tinanong mo ako,

“Ako pa’din ba?”

Apat – 

“Oo” ang aking naging tugon.

Lima – 

“Mahal kita” ang iyong naging sagot.

Mundo’y tila tumigil,

At lahat ay naglaho.

Tinignan mo ‘ko ng may pagmamahal sa’yong mga mata –

At laro’y limot ko na,

‘Pagkat tayo’y masaya.

Hanggang isang araw

Nakita kitang kasama siya –

Isang babaeng mas matalino

At tiyak na mas may itsura keysa sa’kin.

Ang iyong pagbisita pati ang ating pag uusap ay biglang naging madalag,

Ang pagmahal sa iyong mata ay unti unti nang nababawasan

Ngunit pilit ‘kong ‘di magduda,

Pagkat sa’yo ako’y may tiwala.

Anim – 

Ramdam ko na ang iyong paglayo;

Pito, walo

Balikat ko’y muling iyong hinawakan

At ako’y panandaliang bumalik sa panahong tayo’y masaya,

Sa panahong walang problema.

Siyam

Paalam” mahina mong sinambit,

Ng walang alinlangan,

At walang pangamba.

Sampu!

Lumingon ako para ikaw ay hanapin

At ang aking nakita ay ikaw –

Ikaw, kasma ng iba.

– JP