Tamang Panahon, Maling Pagkakataon
Categories Confessions

Tamang Panahon, Maling Pagkakataon

Tamang panahon pero maling pagkakataon.

Itago niyo nalang ako sa pangalang moja.(girl)
May isa akong katrabaho na kung saan naging close friend ko.
Pero dumating sa puntong
Nagkagustuhan kaming dalawa.
Masaya na sana, kasi parehas niyo gusto ang isa’t isa at pwdeng maggrow iyon.
Pero may girlfriend na siya.
Sobrang tagal na nila.
At ako yung single.

Pero after ng ilang buwan namin
Na pagtatago
Pagdadate

Narealize namin mali talaga ito.
Oo minamahal na namin ang isa’t isa
Pero mali yung pagkakataon saamin.
Ayaw ko naman dumating sa punto na
Naging kami
Pero may nasirang relasyon dahil sakin.
Sinunod ko ang puso ko
Sinunod niya rin ang puso niya
Naging selfish kami

Kailangan namin itigil ito.
Marami kaming matatapakan na tao
Marami kaming masasaktan.
Kung kami talaga para sa isa’t isa si tadhana nalang siyang bahala saamin.

Mali ang pagkakataon na ito para saamin.
Maling mali.
Sinasabi ng iba walang mali sa pag ibig
Pero mali na may nasasaktan kang ibang tao para sa ikakasaya mo lamang.

Nagkaroon kami ng closure na itigil na ito.
At piliin kung saan kami magtatagal
Mahirap naman may nakasamaan ka ng loob.
Hindi ko kakayanin iyon.

Narealize namin tama tong panahon pero hindi ang pagkakataon para saamin.
At mali din na ipaglaban ko siya
Dahil in the first place hindi ako ang una niyang minahal kung hindi ang girlfriend niya.

At alam mo iyon, hindi ka pwdeng lumaban kasi alam mong mali.

Kung baga hindi kapa lumalaban guilty kana agad.

Pag mahal mo ang isang tao
You have to learn to be selfless
Naging selfish kami oo
Pero Kailangan ko isipin ang future nila kaysa sa future ko.
Masakit oo
Pero mas masakit kapag may relasyon kang nasira dahil sa pagiging makasarili ko.
Mas makakabuti pang masaktan at i let go ang pagmamahal ko kaysa
Makasakit ng ibang tao.
Hindi ko kailangan pairalin ang puso
Kailangan kong pairalin ang sinasabi ng isip ko.

Kapag pinairal ko ang puso ko. Madami ang masasaktan
Madami ang mahihirapan.

Ito ang aking kwento

-Moja