TANGING IKAW
Categories Relationships

TANGING IKAW

 

Noong araw na nakita kita labis ang saya,
Dahil makakasama na naman kita.
Sa bawat oras, segundo, minuto na tayo’y magkasama
Abot langit ang saya.

Lagi kang nandiyan kapag may problema
Na kahit malayo’y pupuntahan ka.
Kailan may hindi ka papaasahin,
Basta’t makasama lang kita.

Tanging ikaw lang ang minahal ko ng ganito,
Dahil mahirap nang makahanap ng katulad mo.
Na babaeng aalagaan ka kahit na ika’y malayo,
Basta’t maiparamdam mo lang na mahal mo ako.