BAKIT?
Bakit palagi nalang tayong ganito? Bakit kahit kelan, hindi tayo pinagtatagpo sa gitna? Bakit puro tayo simula? Bakit kung kelan gusto kita, hindi ka handa? Bakit kung kelan gusto mo ako, hindi ako handa? Bakit ang labo mo? Bakit ang dali-dali sa’yong baliwalain ako, i-take for granted yung pagmamahal ko? Bakit di mo makita yung halaga ko? Bakit ang dami mong babae pero di mo ako nakikita? Bakit ang gago mo? Bakit ang labo mo? At higit sa lahat… Bakit ikaw lagi?

SALAMAT
Salamat sa pagpapatawa. Salamat sa saya. Salamat sa alaga. Salamat sa pagmamahal, kahit palaging pansamantala, nararamdaman ko na mahal mo ako. Salamat sa pagiging honest mo palagi, kahit masakit, sasabihin mo. Salamat sa mga lessons na binibigay ng “relasyon” natin. Salamat sa pag-exist, salamat sa pagdating sa buhay ko, dahil hindi ako ganito, ibang-iba ang lahat kundi kita nakilala. Sabi ko nga, “you are my moon, my sun, and all of my stars.” Ikaw ang simula, ang pagtatapos, at ang nagbibigay ng liwanag sa buhay ko. Ikaw ang “always” ko.

pero..

PAALAM
Paalam na sa kahibangang ito. Mag-aanim na taon na tayong naghahabulan. Nagsimula tayo bilang mag-ex, naging tropa, tas gusto mong balik, may boyfriend ako, tas nung ako naman, may girlfriend ka. Hanggang sa naging cycle na. Nandun ako pag ginagago ka ng mundo at nandun ka din para sa akin. Ang rupok rupok ko pagdating sa’yo. Sa’yo lang. Maging mag-kaibigan na lang tayo, dun tayo tumatagal e. Paalam na. Papatayin ko na ang pag-asang balang araw, magkaka-tagpo din ang nararamdaman natin. Paalam, babylove. Paalam, tangi. Paalam, love. Palagi kitang mahal..