Maaring single ka ngayon,pero hindi ibig sabihin non eh ikaw na ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Maraming dahilan para maging masaya. ‘Wag mong ikulong yung sarili mo sa nakaraan. Patuloy ka lang lumakad pasulong wag paurong bawal din lumiko at lalo ng bawal matisod at madapa.Lalo na kung hindi ka marunong kumapit at tumayo.Naku. Buti na lang alam mo na yung totoo. Alam mo na kung sino ka at ano ka sa Kanya, sa Kanya na gumawa sayo. Sya na kilala ka, higit pa sa pagkakakilala mo sa sarili mo,alam Nya ang nais ng puso mo kaya hinding hindi ka Nya hahayaang masaktan ulit, pero nasayo pa rin ang desisyon kung Sya ang susundin mo o yang marupok mong puso.

Clarity before intimacy ang paulit-ulit nating pinapaalala sa kumukulong damdamin ng mga taong nagmahal, naghintay at umasa.

Oo naging pokmaru ka minsan pero be stronger na this time 😊 ‘wag mong hayaan ang sarili mong kiligin sa simpleng “yaya nya na mag-kape kayo” at “pagsundo’t hatid” nya sayo kasi unang una hindi ka LBC, know your worth and value kasi you are a princess of God. Kasi maaring ginagawa nya rin yun sa iba. Clarity before intimacy ang paulit-ulit nating pinapaalala sa kumukulong damdamin ng mga taong nagmahal, naghintay at umasa.

 

Kung hindi man nya kayang i-DTR yung relationship nyo, be strong enough girl to set boundaries,but never build a wall. Pigilan mo yung sarili mo na kamustahin sya, instead ipagpray mo na lang sya, dahil mas alam ni Lord ang sitwasyon nyong dalawa at Sya naman din ang may control ng lahat diba? Pigilan mo rin yung sarili mo na magkwento or magbigay ng update sa buhay mo kasi hindi ka naman reporter, BPO agent ka.

 

Kung mangangamusta man sya, edi wow! Pero ‘wag mong habaan ang reply mo,’wag kang pahalata na miss na miss mo na sya.. yung tama lang, yung sapat lang. Para kapag nasaktan ka, hindi masakit na masakit kundi masakit lang. Pero masakit pa rin.