The Unsent Message
Categories Confessions

The Unsent Message

Akala ko, okay na ako.

Akala ko, mawawala na yung nararamdaman ko para sa’yo.

Akala ko, di kita mami.miss.

Paano kita makakalimutan?

Sa bawat biyahe ko, naaalala ko yung mga panahong ikaw yung katabi ko.

Sa bawat patak ng ulan, naaalala ko yung mga panahong ikaw ang nakakasama ko.

Sa bawat swimming pool at dagat na napupuntahan ko, ang ating katuwaan ang sumasagi sa aking isipan.

Sa bawat kantang napakinggan ko na kinanta mo na, kinikilig pa rin ako.

Ang dami kong naipon na rason para di na kita magustuhan,

ngunit ba’t ganun? parang di ko lahat maalala ‘pag kasama na kita.

Para bang nakikipagtalo ako sa sarili ko sa tuwing nandiyan ka na.

Tila baliw na parating sinasabi na

“Kalma Self, siya lang yan, di mo na yan gusto”.

Alam ko na minsan napapansin mo rin na parang natataranta na ako.

Nahuhuli mo rin akong nakatingin sa’yo.

Pero sana naman, wag ka na ngumiti kasi kinikilig ako.

 

Dapat hindi ko na ‘to maramdaman eh.

Dapat wala na.

Kasi diba pagod na ako.

Diba ayoko na.

Di ko hiniling na magustuhan mo rin ako,

ang gusto ko lang sana na matapos na ito.

Ang hirap kasi mag.move on lalo na’t wala namang tayo.

God knows what I felt for you.

He even knows how much I beg Him to take away my feelings for you.

But I think, may plano pa Siya.

Kaya hintay na lang ako sa will ni Lord hanggang sa masagot ang tanong na nasa isipan ko.

Mananatili na lang akong isang kaibigan mo.

For almost 7 years, thank you kasi hindi naging boring ang paghihintay ko sa taong inilaan ng Diyos para sa akin.

Sa mga panahong nagustuhan kita, natutunan ko ring alagaan ang puso ko

at hindi hinayaang basta-basta na lang magkagusto sa maling tao.

Kaya salamat pa rin kahit minsan mahirap ang sitwasyon ko

lalo na’t may mga malapit din akong kaibigan na nagkagusto rin sa’yo.

Kahit na ako ngayon ay litong-lito,

Salamat pa rin dahil isa ka sa nagbigay kulay sa buhay ko.