To JR,
Mahal ko,
Ito na yun oh.
Ito na yung pinaka aasam asam nating dalawa.
Yung susunduin na kita sa airport.
Mahahagkan na sana kita.
Mahahalikan na sana kita.
Planado na sana ang lahat para sa araw ng ating kasal.
Ikaw nalang ang kulang.
Pero bakit ganun?
Bakit ka nagloko?
Bakit mo ako niloko?
Bakit ka nag propose sa iba habang tayo pa?
Madaming bakit…
Napakadami kong tanong…
Tanong na ni isa ay ‘di mo binigyang kasagutan.
Sana.
Sana.
Sana hindi ka nalang nag abroad.
OK pa sana tayo ngayon.
May TAYO pa sana ngayon.
Mahal.
Mahal kita.
Mahala na mahal kita.
Kahit na alam ko na malabo na na maibalik pa ang dati.
Ang dating matatamis na ngiti.
Ang matatamis na awitin na nagbibigay saya sa bawat araw kahit na tayo ay malayo sa isa’t isa.
Mahal.
Mahal ko.
Ako ay maghihintay pa rin sa’yo sapagkat hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa kayang alisin ang singsing sa aking kamay na siyang tanda ng ating pagmamahalan.
Patuloy pa rin akong umaasa na babalik at babalik ka pa rin sa tsinelas na ‘yung pinakamamahal.
Mahal kita JR.