To My PINAKAHIHINTAY 💞

” Iingatan ko ang aking puso hanggang sa dumating ka na.”

Isa ako sa mga taong nagsusulat ng letter para sa future spouse nila.

“Meron pa palang ganun?”

Oo naman, kami yung mga taong pinili nalang maghintay sa taong laan ng Panginoon para sa amin, hindi dahil tamad kaming maghanap kundi dahil tiwala kami na sa tamang panahon darating din sila.

Pang ilang sulat ko na ba ito sa’yo? Isa? Dalawa? Tatlo? Sampo?

DI KO NA RIN MABILANG. 😂

I started writing a letter to you nung High School palang ako. Imagine? College graduate na ako, may trabaho narin pero nagsusulat parin ako para sa’yo.

Di ako magsasawang maghintay at magsulat ng magsulat. I’m also praying for you. I’m hoping na nawa nasa season ka ng paglago spiritually.

Unahin lang natin ang Panginoon, hinding-hindi tayo magsisisi. Sabay tayong maglingkod at lalo pang kilalanin siya kahit malayo tayo sa isat-isa.

Ingatan mo yung sarili mo, at mahalin ang mga tao sa paligid mo gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin.

Maghihintay lang ako hanggang sa dumating ka na, kaya wag kang mawawalan ng pag-asa. Kapit lang sa pangako Niya.

Huwag kang magsawang maghintay. Sabi nga sa paborito kong kanta “Di sayang ang paghihintay sa pag-ibig na pang habangbuhay.”

I’m so excited to meet you. In God’s perfect time.

Mahal Kita,

Your Future Wife

Leave a comment

Exit mobile version