Current Article:

“To The Woman Who Was Once and Used To Be My Everything”

“To The Woman Who Was Once and Used To Be My Everything”
Categories Relationships

“To The Woman Who Was Once and Used To Be My Everything”

“Huwag Ka Nang Umiyak Ha”

‘Wag kang mag-sorry. Alam mo namang, ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak sa harapan ko diba? Alam mo namang, ayaw na ayaw ko na namamaga ‘yang mata mo sa kakaiyak diba? I’m sure papagalitan na naman ako ni tito at tita at magtatanong na naman ng sangkatutak na dahilan kung bakit. Alam mo namang di ako magaling mangatwiran diba? Ayaw ko din na makikita ng ibang tao na pinapaiyak na naman kita. Pagkakaalam ko kasi, napapaiyak ka lang dati sa kakatawa sa mga korning joke ko. Never naman kitang pinaiyak dahil sa mga malalim na pag-aaway. Alam mo ‘yan dati pa kasi iniiwasan ko nalang magsalita para di na lumaki ang gulo. Kaya ‘wag ka nang umiyak sa harapan ko kasi wala na akong karapatan na punasan ‘yang luha mo.

Bago mo ako sinagot, diba sinabi ko na ibibigay ko lahat ng karapatan sa’yo na magsabi ng mga katagang “Hiwalay na Tayo o Napapagod na ako,” kapag naisipan mo nang umalis sa buhay ko. Magiging pangit man sa paningin nang iba pero para sa akin tama lang ‘yun kasi babae ka at may karapatan ka sa mga bagay na ‘yun. ‘Nung dumating na nga ang panahon na ‘yun, kahit napakarami kong tanong. Hinayaan kitang sabihin ang mga salitang ‘yun kasi ganun kita kamahal. Ayaw ko kasing ikaw ang makaramdam ng panghihinayang kapag nagkita tayo ulit na okay na ako. Ayaw ko ring ikaw ang makaramdam ng pagsisisi kapag nagkita tayo balang araw na nagbago ako ng sobra. Ayaw ko ring makaramdam ka nang labis na hinanakit kapag nagkita tayo balang araw na nakakangiti na ako nang hindi pilit. Gusto ko ako ang makaramdam nang lahat ng bagay na ‘yun kasi ganun kita kamahal.

Hindi man ako naging perpekto sa paningin mo pero alam mo naman diba na ginawa ko ang lahat at binigay ko ang lahat ng pagmamahal na inaasahan mo sa akin. Alam mo naman diba na ibinigay ko lahat na halos wala na akong itinira para sa sarili ko. Natatakot nga ako tuwing naiisip ko na darating ang pagkakataon na naisipan mo nang dumistansiya sa dati nating nakasanayan. Sa nakalipas na dalawang taon, napagdusahan ko na ang lahat ng sakit. Napagdusahan ko na ang lahat ng pananakit na dapat kong maramdaman. Lahat ng tanong ko lalo na ang mga “what, if’s and but’s” ay nasagot ko na rin.

Hindi at never kitang sinisi sa lahat ng nangyari sa atin. Ako siguro yung siyang nagkulang sa mga dapat sapat at sumobra sa mga bagay na di naman dapat. Ako siguro yung dapat gumawa nang mga bagay na dapat gawin at mga bagay na di dapat nangyari. Ako siguro ‘yung dapat kumapit sa mga bagay na dapat kapitan at ‘yung dapat nang bitawan. Siguro, ako dapat lahat gumawa ‘nung mga bagay na ‘yun. Kaya ‘wag kang mag-sorry, di kita sinisisi sa lahat ng bagay. Gusto kong ako nalang ang makramdam ng lahat nang ito kasi ganun kita kamahal.

Sa ngayon, alam kong masaya ka na. Tuwing binibisita ko ang FB mo, nakikita kong masaya ka na. Napakalaki nang ‘yung ngiti at nagagawa mo na ang lahat nang gusto mong gawin. Sorry ha, di ko kasi kayang ibigay sa’yo ‘yun nung tayo pa. Di ko kasi alam kung papanu babalansihin ang pagiging isang anak ng Diyos, anak ng mga magulang ko, estudyante, empleyado at pagiging boyfriend sa isang tulad mo. Pero alam mo naman siguro na simula nung naging tayo, naging pangalawa ka sa mga priority ko. Sorry kasi, di ako naging sapat sa’yo. ‘Di ko’to sinasabi sa’yo para konsensyahin ka pero sinasabi ko ‘to kasi marami lang akong panghihinayang kung bakit di ako umabot nang 200% kung ‘yun ang nire-require mo para sumapat ako.

I had three suicidal attempts pero di lahat naging successful. Hindi ko kasi alam kung papanu haharapin ang bawat araw na nagbago na ang lahat at nagbago na ang naka-gawiang everyday routine. Ayaw kong magtanong nang paulit-ulit sa taas kasi baka makulitan na pero ‘yun talaga ang dinidikta ng utak ko. After two years nagkita tayo ulit. Pero ‘wag kang ma-sorry dahil di naman kailangan. After two years napatawad na kita. Mas kailangan mo yan para mapatawad mo ang sarili mo. Hanggang ngayon, ‘di ko alam kung saan ako nagkulang at saan ako sumobra. Iniisip ko nalang na sapat na ang lahat nang nagawa ko at naging sapat na ako sa’yo. Kaya ‘wag ka nang mag-sorry ha. Inako ko na ang lahat kasi mahal kita…

Photo Credit: Google on Display

#Parkenstacker