Current Article:

Totoo Ngang Mahirap Mahulog sa Kaibigan

Totoo Ngang Mahirap Mahulog sa Kaibigan
Categories Relationships

Totoo Ngang Mahirap Mahulog sa Kaibigan

Natatakot akong umamin

Kasi baka hindi mo ako tanggapin.

Ngayon pa lang masakit na.

Kasi alam kong mahal kita,

Ngunit hindi ko ito sa’yo mapadama,

Dahil takot akong pagkakaibigan ay mawala.

 

Siguro itong tadhana’y talagang mapaglaro,

Dahil tanggapin mo man ako,

Ngayon pa lang masakit na.

Magkaiba kasi tayo ng kultura.

Hindi ako sa inyo nabibilang,

Kaya malabong sumang-ayon ang iyong mga magulang.

 

Pilit ko mang sabihin sa sariling ‘tanggap ko na’,

Ngunit ayaw kong makitang ipagkasundo’t ikasal ka sa iba.

Hindi ko pa rin mapigilan itong mga luha,

Tuwing maiisip na sa iba ka mapupunta.

Mahalaga ka sa ‘kin lalo na ang pagkakaibigan natin,

Ngunit pagiging makasarili ba kung hihilingin kong ika’y maging akin?

 

Naaalala mo ba nung sinabi kong ako’y may natitipuhan?

Patawad ngunit ikaw ang tinutukoy sa ating kwentuhan.

Paano ipaparating itong damdamin?

Natatakot akong ika’y harapin.

Kung ako ba sayo’y aamin,

Ako kaya’y iyong tanggapin?

 

Marahil noo’y iba ang sanhi ng luha sa mga palad.

Ngunit gusto kong sabihin sa’yo at ilahad,

Na ikaw na ngayon ang dahilan ng lahat,

Kung bakit namumugto ang mata at laging puyat.

Ngayon ko lang ‘to naintindihan,

Totoo ngang mahirap mahulog sa kaibigan.

 

Bago ka man mapunta sa iba,

Maaari bang humingi ng pabor muna?

Malaman ko man lang sana,

Ang tunay mong nadarama.

Kahit ‘yun lang, pangako ko sa’yo,

Magiging kontento na ako.

 

Ayaw ko mang isuko ka,

Pero wala akong magagawa,

Gayunpaman, mahal kita.

Oo, Bes, mahal na kita.

Hangad ko’y maging masaya ka.

 

~ Millie