TUWING SASAPIT ANG ORAS NA APAT NA ISA

11 years ago nang una kong matitigan yang singkit na mga mata mo.

Tandang tanda ko pa ang paglipat mo sa upuan sa likuran ko.

Sa pagkakaalala ko,

Lumipat ka kasi inaasar ka ng mga kakaklase natin sa katabi mo,

Hanggang sa magkapalitan tayo ng numero.

Magkausap hanggang alas tres nang umaga tuwing Sabado,

‘Di ko namalayan sa mga panahon na iyon

Ay nahulog na pala ako.

Ngunit sa pagsapit ng Disyembre katapusan

Nagpaalam tayo sa isa’t-isa di ko alam ang dahilan.

Hanggang sa nawala na ng tuluyan

‘Di na alam kung nasaan.

Isang singsing ang palaging nagpapaalala sakin ng tungkol sayo,

Kase naman laking tuwa ko noong binigyan mo ako nito.

Sino mag aakala na sa kasalukuyang petsa ay suot ko pa din ito?

At sa petsa nga ding ito, muli ay nagkausap tayo ..

Masaya ako at nabuhayan na naman ng pag asa

Pag asa na baka tayo na talaga.

Pag asa na ito na ang panahon para sating dalawa

Pag asa na nakatadhana tayo para sa isa’t isa.

Ngunit bakit sa bawat pagitan ng pag asa?

Maraming nakakubling katanungan,

Maraming dahilan at mga pag aalinlangan

Sa mga salitang iyong binibitawan.

Minsan napapagod na ako

Nawawala na din ang pagiging interesado.

Ngunit sa kabila nito’y kumakapit pa din ako

Gagawin ko hanggat kaya ko.

Dahil aaminin ko sa’yo

may natitira pa ring pag asa dito sa puso ko

Na darating ang panahon

Na meron nang IKAW AT AKO.

Minsan gusto ko nalang din lumayo

Pero paano ko gagawin ito?

kung mismong puso ko

Nagsusumigaw at nagsasabing ‘wag gawin ito.

Patuloy akong mananalangin

hinding hindi mawawalan ng pag asa.

At patuloy na hihilingin

tuwing sasapit ang oras na APAT NA ISA.

Na sana dumating ang araw

Na ang pag aalinlangan sa bawat pagitan ng pag asa.

Ay mawawala na ng tuluyan

At mapapalitan, ng walang katumbas na pagmamahalan.

Exit mobile version