‘Wag Na Init Ulo, Baby
Categories Relationships

‘Wag Na Init Ulo, Baby

Wala talagang perpekto sa mundo,

kaya wala ring perpektong relasyon.

Normal lang ang away parang pusa’t aso,

kasama ‘yan sa pagtibay ng pundasyon

ng relasyong inyong ginustong mabuo.

 

Sa una nga lang magaling, ‘ika nga ng iba

pero ‘di magtatagal, mananawa rin pala.

Parang chewing gum na sa una lang matamis,

habang tumatagal, lalong tumatabang.

Parang bagong timplang kapeng matapang

na kapag pinabayaan ay lalamig at mapapanis.

 

Ganyan naman talag, hindi laging masaya.

Minsan kailangan din nating magpahinga,

lalo na kung sumosobra na ang kaligayahan.

Masama talaga ang sobra kaya dapat nating easy-han.

 

Darating talaga sa puntong hiwalayan

kung pareho kayong ‘di marunong magpakumbaba.

Parehong init ng ulo’y ‘di dapat nagsasabayan

lalo na kung ang dahilan ng away ay walang kuwenta.

Basta marunong lang lang kayong magtimpla

ng mga sangkap sa pagluto ng inyong samahan,

asahan niyong pag-iibigan ninyo’y ‘di mawawala.

 

Hinay-hinay lang, kaibigan, ‘wag padalus-dalos

sa mga desisyong may halong inis at galit.

Lagi niyo lang isama ang Panginoong Diyos

sa inyong relasyon upang ligaya ay makamit.

 

Garantisadong habambuhay na pagmamahalan

kung pagtitiwala ang laging namamagitan.

Lalo na kung ang isa’t isay may pagbibigayan,

pag-iintindi, pagtitiis at pag-uunawaan.

Kaya easy-han niyo lang mga kaibigan,

‘di rin magtatagal at hahantong din sa kasalan.

 

Lagi niyo lang tatandaan

na ‘di sapat ang salitang ‘mahal kita’ lang

kung hindi ninyo ito hahaluan

ng mga nasabing kasangkapan

‘tungo sa habambuhay na pagmamahalan.