Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Paano tatapusin ang isang relasyon na hindi naman nagsimula? Paano bibitawan ang isang bagay na hindi mo naman nahawakan?
Bes, ilang buwan na lang ang natitira sa taon, baka gusto mong ayusin na ang inyong relasyon. Kung ayaw nyang magcommit wag ka nang kumapit. Mas ok nang maghintay mag-isa, kesa maghintay sa taong paasa.
Hindi madaling magmove-on, lalo na kung nakikita mong may kahit katiting na pag-asang magseryoso sya. Minsan natatakot tayong magtanong dahil natatakot tayong may magbago. Baka may magbago sa matamis nyang treatment sayo. Baka may magbago sa mga sweet good morning messages at good night convos nyo. Baka biglang magbago yung dating “parang kayo” at biglang mong marinig yung, “wala naman talagang tayo”.
Isa lang naman ang dapat mong tandaan sa relasyong hindi ni-label-an. Hanggat hindi nagkakalinawan, iyan ay isang magulong usapan, puro pakiramdaman, at madalas may nasasaktan. At kung ayaw mong masaktan, puso mo’y kailangan mong bantayan.
Wag kang matakot na may magbago. Wag kang matakot na mawala sya sayo dahil kung talagang seryoso sya na gusto ka nyang makasama, hindi nya hahayaang maguluhan ka.
Wag kang matakot na bitawan ang isang bagay na hindi mo naman nahawakan. Hindi totoong kung sinong unang na-fall syang talo, dahil yung talagang talo ay yung taong hindi marunong sumalo.