WAKAS
Mahal, ito na ang mga huling salita
Kasabay itong bibitawan sa pagbagsak ng mga luha
Hindi man na tayo nagkaroon ng isa pang pagkakataon
Mas mainam na ito upang di na tayo magsasayang ng panahon
Hindi na magkakasakitan gamit ang mga salita
Hindi na magsasayang ng mga luha
Hindi na pipilitin ang hindi itinakda
Hahayaan nalang na ang isa’t-isa ay kumawala
Mas mainam na siguro na tinapos na ito
Upang hindi na mag-isip pa ng todo
Alam ‘kong malabong ito ay mabasa mo
Ngunit gugustuhing ito’y makarating sayo
Nagsimula ang lahat sa paghihintay kung sino ang manunuyo
Hanggang sa sabay nang sumuko
Nakakatawang isipin na pareho tayong naging duwag
Sa mga pagkakataong dapat tayong naging matatag
Matatag sa pagharap ng maraming bagay
Ngunit mas pinili natin ang mag-hiwalay
Kasabay ng pagtatapos ng tulang ito
Ang pag-bitaw sa mga pangako mo
Ngunit wag mag-alala dahil hindi ko kakalimutan
Na minsan sayong mga kamay, kasiyaha’y nakamtan
Pinagtapo man ngunit di itinadhana
Ang mga alaala ay di mawawala.
Current Article: