Wala na ang ‘Tayo’
Categories Move On

Wala na ang ‘Tayo’

Kailan ba dapat bumitaw at kailan ba dapat aasang may ako pa rin at ikaw?

Tanong ko lang, bakit tayo nagtagpo kung ang ating daan ay nakapalad ring magkalayo?

Tanong ko lang, paano kung kumapit tayo sa kabila ng bagyong ating sinapit? paano kung naghintay tayo na tumila ang ulan at tumigil ang hangin bago nating binitatiwan ang ‘tayo’?

Tanong ko lang, may ‘tayo’ pa rin kaya ngayon? O sadyang di lang tama ang pagkakataon at panahon?

Tanong ko lang, kapag ba tayo’y tapos na kailangan ring pakawalan ang pusong nakagapos? O aasang magtatagpo ulit ang ating landas at hawak kamay na nating haharapin ang bukas?

Tanong ko lang, ang daan ba natin ay iisa? O isa ka lang stop over na akala ko’y pang forever.

Marahil may ‘Ikaw’ at ‘Ako’ pero wala na ang ‘Tayo’.

Ang tamis at pait ng kahapon ay ibabaon upang makaahon at maligayang maghihintay sa tamang panahon. Mga mabigat na bagahe ay aking iiwan at papakawalan upang ako’y mabilis makakarating sa paroroonan.

May sarili ka ng daan na tatahakin. May sarili na rin akong daang lalakbayin. Kung ang daan ay parehas ang patutunguhan, marahil may ‘tayo’ ulit, pero walang kasagutan sapagkat walang kasiguraduhan.