“Walang kabuluhan”
Categories Relationships

“Walang kabuluhan”

“Walang kabuluhan”

May mga ginagawa ang tao ,na minsan hindi nila maunawaan. Pero, ipinagpapatuloy parin nila ito kahit minsan di na alam ang patutunguhan. Bakit ba sa buhay na ito puro nalang kahiwagaan. Saan ka man lumingon may mga bagay pa rin na hindi malinaw sa kaisipan. Madalas pa nga may mga ginagawa ang tao na hindi na nila pinag iisipan. Bira ng bira basta makatapos lang. Ngunit sa totoo lang hindi naman talaga nila ito nauunawaan, mukhang walang katuturan.

 

Bakit ba sa mundong ito mga pangyayari ay paulit-ulit at paikot-ikot lang. Talaga naman mga tao’y wala ng kasawaan. Gawain ng tao’y patuloy sa daang liko-liko at walang katapusan. Nagpapatuloy ang buhay ngunit para saan nga ba itong pinaghihirapan? Gawa ng gawa ang karamihan ngunit tila di naman sila itong nakikinabang. Walang kabuluhan! 

 

Ang iba puro pagpapasarap ang pinagkakaabalahan ngunit parang patabaing baboy ang uri nila na maaari ng katayin sa katayan. Walang kabutihan.

 

Sa mundong ito na ating  ginagalawan nais kung iyong pagmasdan, iba’t-ibang uri ng tao ang nagtatagisan. Di mo malaman kung para saan nga ba kanilang pinaglalabanan. Tila ba ang maging sikat sa pangalan kanilang nais makamtan. Pero kung susuriin mo naman,  ang ngayon sikat sa pangalan bukas din sila’y mapapaplitan. Sa madaling salita, ang  mga bagay sa mundong ito ay mawawala at may katapusan. Sa bawat araw na magdaan isipin man ang mga bagay na ito’y walang naidudulot na kabutihan. Kayhirap man talagang mabuhay sa mundong ito pagkat sa bawat paglingo’y makikita ang mga liko-likong kanto at ang mga tao ay nag-uunahang makapasok sa mga ito. Hindi ko sila maunawaan, pagkat kailangan pa nilang magtulakan at magsiksikan para lang makapasok sa papasukan.  Bakit ba kasi sa mundong ito wala ng katapusang kasakiman kung wala lang ganib siguro wala namang magtutulakan para makaabot lamang sa pupuntahan at walang makikipagsiksikan para lamang makaabot lamang sa nais makamtan. Walang kabuluhan!

 

Sa bawat araw na magdaan nadarama ko ang kahirapan, para bang takbo ng panahon ay hindi panig sa aking kapalaran. Parang pinagbagsakan ng kalangitan itong nararanasan pagkat di ko na maunawaan takbo ng sanlibutan. Saan ka man lumingon kabi-kabilang kamalian iyong masisilayan. At tila ang maging tama pa sa mundong ito ay isang kasalanan. Napakalaking kalokohan. Bakit ba sa mundong ito puro pansariling motibo nalang ang tumatakbo sa kaparaangan. Kung mahina ka sa mundong ito tiyak ang pag bagsak mo. Pagkat sa mundong ito ang may kapangyarihan lamang ang may kakayahang sumunod sa agos ng sanlibutan. Ang lahat ng ito’y nakakapagdulot ng kasiraan ng kaisipan.

 

Bakit ba kung kelan namulat ka na sa katotohanan at handa kana para sa pagbabago at nais mo na ng katahimikan . Doon mo naman makikita na kay gulo na pala ng lipunang iyong ginagalawbookan. Nais mo mang gumawa ng puro kabutihan ngunit lipunan naman ay hinihila ka na makagawa ng kamalian. Para saan pa nga ba ang mabuhay? Kung bawat tao’y di mo na makakitaan ng katinuan. Kahit pang sabihin mong sila’y laking simbahan, ngunit bakit tila wala naman silang kaibahan sa mga gumagawa ng kabalukturan. Lahat ng ito’y walang kabuluhan!

 

Nakakatawang isipin nasa mundong ito,  ang mga sakim sa kapangyarihan parang tangang nagpapakahirap para lamang ito ay makamtan . Ginagawa nila ang lahat ng paraan makuha lamang nila kanilang pinagnanasaan. At tapak-tapakan  ang iba kanila pang kasiyahan. Nakakatawa na kung sino pa ang dapat mong asahan at dapat na manguna sa kabutihan sila pa itong nagkakandarapa na makamit ang kapangyarihan.para bang pinag aralan nila’y di makita sa kanilang kasakiman. Hay! sana lahat nalang ng bagay ay madadaan sa katuwaan at lahat ng taong nakadarama ng sama ng loob makakuha ng kasiyahan. Ngunit kung iisipin mo naman manhid na ata ang mga tao sa kanilang nakakaraasan. pero kung iyong titingnan mga taong sakim sa kapangyarihan daig pa nila ang busabos at takam na takam sa posisyon at pera na hindi naman nila pinaghihirapan.Walang kabuluhan!

 

Ang mundong ito na ating ginagalawan ay isang malaking sugalan. Kung hindi ka marunong tumaya sa laban wala kang mapupuntahan. At kung mahina ka sa sugalan tiyak walang matitira sa iyong katauhan, pagkat sa sugalan na iyong ginagalawan ang mga matitira lamang ay mga taong punong-puno ng kadayaan. Pagkat hindi nila hahayaang sila ay mawalan, pagkat baliw  na sila sa pakikipaglaban lalo na sa larong alam nila na puno ng kalokohan. at  lahat sila walang kabuluhan! Kawawa mga taong walang kakayahang lumaban ibigay man nila ang lahat wala pa rin silang laban. Ubos lakas silang tumatayo sa laban ngunit sila rin ay baon na sa utang maipaglaban lamang nila kanilang karapatan. Ngunit sadyang mapaglaro itong kapalaran mga taong madadaya ang nakakatayo at may kakayahang manipulahin itong sugalang ginagalawan. Mag tao’y nkikipaglaban sa dignidad ngunit sadyang wala silang laban. nakakinis pagkat ito’y walang kabuluhan!

 

Minsan naiisip ko sana oras ko sa mundong ito ay mapunta na sa katapusan. Kung bakit naman kasi sa buhay na ito simpleng mga bagay ginagawang kumplikado ng mga taong may malilikot ang isipan. Pati ba ang maging panginoon dito sa lupa, aba! nais pa nilang subukan. Kaya naman , dito sa mundong ginagalawan kaliwa’t kanan may makikita kang panginoon sa iba’t-ibang lansangan. Sana nga lang nagnanais din sila ng kapayapaan, ngunit hindi rin naman. Pagkat pansariling interes lamang nila kanilang inaasam-asam. Kaya mga taong sadlak sa kahirapan walang magawa sa kanilang kapalaluan. 

Walang kabuluhan!

 

Bakit ba ang mabuhay ba sa mundong ito’y hanggang dito nalang matatapos ba ang lahat sa kahirapan? Kaliwa’t kanan makikita mo puro kaguluhan na dulot ng mga makasariling mga nilalang. mga taong nananahimik sa pamayanan ,ginugulo pa ng mga taong salot sa lipunan walang magawa kundi manira sa kaparaangan. Ang mga taong nagpapagal para sa kanilang pamilya, aba! inaagaw pa ng mga taong di marunong magpagal para may makain sila. Ngayon pamilyang naghihikahos di na alam kung saan hahanap ng pantustos sa mga anak nilang nagugutom at nangangailangan ng tirahang maayos. At isa pang nakakalungkot maraming mamamayaan na ang hindi na makakilos ng maayos pagkat ang lipunang ginagalawan parang may rehas na bumabalot sa kaparaangan at robot ba kung kumilos pagkat lahat ay limitado ang kanilang kalayaan, at wala ng patutunguhan. Walang Kabuluhan!

 

Katahimikan na dati’y taglay ngayon di mo na masusumpungan pagkat saan ka man magpunta puro ingay iyong matatagpuan. At sa bawat paglingon mo naroroon ang kaguluhan. Kaya’t mga tao ngayon ay wala ng kasiguraduhan sa buhay na kanilang taglay. At kaligtasang sa kanila’y ibinigay kay dali na lang nila itong ilustay kaya sa banding huli mga taong ito’y sa pagdurusa nakaratay. Walang magawa pagkat sila-sila rin mismo ang nagaaway. Kaya’t sa mundong ito nais mo man ng katahimikan kailanaman din a makakamtan pagkat nabalot na ang mundong ito na ingay na dulot ng mga taong walang saysay. Walang kabuluhan!

 

Problemado na ang mag tao pagkat wala na sila sa tamang kanto. Kitang-kita ang mali ng  bawat tao ngunit solusyon sa mga ito ay hindi na makita o hindi na din mabuo.Pagkat manhid na ang bawat tao sa sakit na dulot ng ng paglubog ng mundo. Ngayon bawat isa man ay nais makipaglaban para sa kanilang pagkatao, wala silang napapala pagkat malakas ang mga madadayang kapwa tao. Kaya’t di mo masisisi mga taong walang paki alam pagkat pagod na din sila sa buhay na walang pinatutunguhan. Mga taong ito’y di na alam kung kanino kukuha ng kalakasan at panghihina na kanilang nararamdaman. Isipin ko man ang mga ito’y walang magandang pinatunguhan.Walang kabuluhan!

 

Kaya sa aking katapusan alam kong ang mga bagay na ito’y iyo ng alam ngunit nasaan na ang iyong kaibahan. Huwag na sanang makipagsabayan sa taong magugulo ang isipan at ng buhay mo naman ay may patunguhan. Buhay sa mundong ito’y walang kabuluhan kung hindi mo matutunan gawin mga bagay na iyong alam para makatulong sa iyong kapwa mamamayan. Huwag na maging manhid sa katotohanan. Ang buhay sa mundong ito’y may katapusan sana man lang mag nais ka ng wakas na may masayang katapusan.

Buhay ay magkakaron ng kabuluhan  kung sa Amang Diyos ipagkatiwala mga bagay na di mo maunawaan pagkat siya ang mas nakakaalam at siya ay may dahilan sa lahat ng nagaganap sa lipunan. Kumilos ka ayon sa kanyang kautusan. Buhay mo ay may patutunguhan. Sa Ama ang kapurihan!