Inilibing ko ang aking nakaraan,
Ngunit hindi ko siya nalimutan kahit minsan.
Dahil sa kanya, ipinanganak muli ang matapang na nasa inyong harapan.
Naaalala ko pa ang kanyang pinagdaanan,
Tanda ko pa ang bilang kung ilang beses siyang nilinlang,
tinalikuran at sinugatan ng taong buong pusoniyang minahal at pinaglingkuran.
Walang alinlangan nitong tinapakpakan ang pagkatao niyang walang ibang hiniling
kundi mabigyan kahit kaunting malasakit man lamang.
Hanggang sa wala ng natira, ubos na. Said na hanggang kaluluwa.
Tumigil na siya at nagpahinga.
Napagod na sa mga latay ng nakaraan na pilit binubura.
Hanggang sa matutunan kong mahalin ang pag-iisa.
Biglang may dumating.
Ang puso ko’y nagising.
Sa lakas ng tibok nito’y halos mapunit
ang pagkakatahi ng puso kong pinagtagpi-tagpi.
Lumapit siya sakin at saka ngumiti.
Ang tanging nasabi ko’y takot na kong masugatang muli.
Hinawakan niya ang kamay ko’t kumapit siya ng maigi.
Matapang niyang tinanggap ang mga kahinaan ko.
Lahat ng baho, takot at sikreto.
Hindi man lang kumurap ng isalaysay ko ito.
Buong puso niyang niyakap ang buong ako.
At doon ko lang napagtanto,
may magmamahal pa pala sa isang wasak na kagaya ko.
Current Article: