Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
What if nga naging tayo, ano?
Edi sana hindi mo nakilala yung kilala mo ngayon.
Edi sana hindi mo nakilala yung taong para sayo pala talaga.
What if naging tayo nga, ano?
Edi sana hindi ko pala na-enjoy ng husto yung buhay ko.
Hindi ako makakapunta kung saan-saan kasi bitbit kita.
What if naging tayo nga, ano?
Mas masaya kaya tayo?
Yung luha ko ba mas less o magiging tears of joy?
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
What if naging tayo nga, ano?
Di na kaya ako yung susuyo pag may away?
Di na kaya ako yung mauunang makipag-usap pag galit ka?
Di na kaya pusa yung susunod sakin pag umiiyak ako?
What if naging tayo nga, ano?
Tama kaya yung desisyon na yon?
Masasabi ko bang ikaw yung pinapanalangin ko?
…
Kung naging tayo?
Hindi mo makikilala yung taong pinili mong pakasalan.
Hindi ka mas magiging masaya.
Kung naging tayo…
…malamang hindi mo makikilala yung taong bumubuo ng pagkatao mo; yung katabi mo ngayon; yung ka-holding hands mo…
Yung kakwentuhan mo NGAYON.
Yung kasabay mong kulayan ang drawing nyong future.
Kung naging tayo, malamang ending natin hiwalayan din kasi pinilit natin yung ‘tayo’ na hindi pala naman dapat.
Pinilit natin yung panahon na hayaang maging tayo.
Inunanhan natin yung oras sa dapat mangyari.
Kung naging tayo, hindi natin makukuha yung mas deserve natin.
Kaya pasalamat ka, hindi naging tayo.
Pasalamat ka, iba ang may hawak ng kamay mo.
Pasalamat ka, inilaan ka talaga ni Lord sa tamang tao.
Pasalamat ka, hindi ka napunta sakin.
At ako, hindi sayo.