10 pieces of advice to every woman (using wordplays of Philippine provinces and/or tourist destinations)

  1. Sundin mo ang SIARGAO ng puso mo. A new haircut. A new job. A new adventure. As long as it makes you happy at alam mong wala kang naaagrabyadong ibang tao, go lang ng go!
  1. Aminin mo man o hindi, may mga bagay na mas masarap gawin kapag ALBAY myself ang peg mo. Me time kumbaga. Prioritize yourself. Have coffee, pamper yourself, watch a movie. Enjoy!
  1. Huwag mong hayaang mabugbog ang sarili mo sa sakit. Matutong tumigil at magpahinga kung PALANI ka nalang nasasaktan. It may be stormy now, but it can’t rain forever.
  1. Wait for the right one. At kapag nakita mo na sya, pray for him. Kailangan ang mantra mo ay “Dasal lang talaga. Naniniwala akong balang-araw magiging CAMIGUIN”. 
  1. Huwag magtiwala agad-agad ng BULUSAN. Learn to know someone deeper, better. Assess everything and go for it once you’re really sure.
  1. Love is better LEYTE than never. Huwag mainip. Matutong maghintay. Darating din yan.
  1. Matulis ang PANGIL ng buhay. Marami kang pagdadaanang pagsubok. May mga taong susubukan kang hatakin pababa. May mga problemang pakiramdam mo ay hindi mo kakayaning solusyunan. Anu’t ano pa man ang mangyari, laban lang! Patunayan mong malakas at matapang ka. Kakayanin mo yan!
  1. Hindi habang-buhay may TARAK ang puso mo. The pain won’t be there forever. If the person you’ve loved before did not take good care of your heart or did not give you the respect that you need, someone else will. After all, you deserve it.
  1. Keri lang kung panget ang lovelife mo ngayon, ang isipin mo nalang BUCAS GRANDE!
  1. KayTAAL mo mang naghihintay, darating ang tamang oras at pagkakataong nakalaan para sayo. Magandang trabaho, bagong gadget, masayang relasyon, you name it. Always remember that God has perfect timing; never early, never late. It takes a little patience and whole lot of faith, but it’s totally worth the wait.

P.S. Always remember that you are beautiful and you deserve all the best in life! 💋

#maidystinations #PinasMuna #VisitPinas #MoreFunInThePhilippines