Categories Relationships

ORAS na para MAG-MOVE ON..

“Anong oras na?
Lowbat kasi celpon ko!”
Tanong ng kapitbahay naming nagmamadali na nakasabay kong naglakad papuntang sakayan ng jeep.
“6:45 pa po”, ang sagot ko.
Ito rin ‘yong oras na kasabay ko si M* papuntang office kasi first day of work masyado kaming excited nuon eh, early birds mode para maka-selfie selfie muna around the office.
**
“Anong oras na?
Parang late kasi ‘tong relo ko!”
Tanong ng babae na katabi ko sa canteen habang nag-memerienda ako.
“Ahh mga 9:30 pa po”, ang sagot ko.
Ito rin ‘yong oras na sinamahan ako ni M* sa canteen kasi ayaw niyang puro junkfoods ang i-memerienda ko, ang kulit, kasi concern citizen daw siya eh.
**
“Anong oras na?
Lunch break nah girl!”
Pagulat na sabi ng janitor namin sa office, ugali talagang mang-gulat sa’kin alam naman magugulatin ako eh.
“Ayyy nako 12:20 na pala!”, ang sagot ko.
Ito rin ‘yong oras na binigyan ako ng packed lunch ni M* kasi masyado daw akong workaholic, baka malipasan na naman daw ako ng gutom at magmukhang kalansay in office uniform, asar talaga.
**
“Anong oras na?
Kailangan na ‘yang matapos ang reports ha.”
Tanong ng boss ko na hindi mapakali sa kakalakad at pressured sa deadline today.
“Uhmm 4:30 na pala ma’am, in 5 minutes matatapos ko na po ‘to”, ang sagot ko.
Ito rin ‘yong oras na tinulungan ako ni M* na matapos ang reports ko, sumabay kasi sa pressure that time ang pagloloko ng computer na gamit ko eh, parang tao rin kasi ‘tong computer eh nagloloko rin.
**
“Anong oras na?
Bakit nandyan ka pa?”
Tanong ng workmate ko na napadaan kasi nag-overtime pala siya.
“6:30 na nga eh, waiting list pa rin sa forever, este sa jeep hahaha”, ang sagot ko.
Ito rin ‘yong oras na nag-aabang ako ng jeep at bigla kong nakita si M* kasama ang fiancee niya.
Parang tumigil ang mundo.
PARANG TUMIGIL ANG ORAS.
At biglang bumalik sa akin ang tanong kung
“Anong oras na?”
ORAS na pala para MAG-MOVE ON
dahil ako ay KAIBIGAN lang pala.
***
#LetGo
#MoveOnGoals