Pwede bang pasabi sa kanya na hanggang ngayon ako’y umaasa,
Niloloko ang sarili at Iniisip na sana Ako at yung kami nalang yung pinili niya.Kagaya ng palagi niyang sinasabi na siya’y aking piliin, kami ang piliin sa panahong ako’y nagugulahan kapag di nagkakaunawaan at may tampuhan.
Pwede bang pasabi sa kanya na sa tuwing ako’y nag iisa siya pa rin ang nakikita.
Pasabi naman sa kanya na ako’y nahihirapan na habang tumatagal ang araw Na hindi ko siya makausap at makasama.
Pasabi naman na lahat ng nakikita sa larawan ay pawang ngiting pilit lamang.
Pasabi naman sa kanya, pwede ba? Pwede mo bang ipaabot sa kanya na ako’y malungkot ng mapawalay simula ng ako’y kanyang linisan.
Kung pwede lang sana na ako nalang lahat magsabi ng derecho sa kanya kaso ako’y nangangamba,
na baka sa aming muling pagkita ako’y di na maka bitaw ng mga katagang aking nadarama,
Oh sinta, sana andito ka pa, sana ako pa, sana makapag simula ulit sa umpisa.
Sana mabawi mo pa ang mga bagay na iyong naibahagi tungkol sa ating dalawa.
Tuwing larawan mo’y nakikita di ko mapigilan ang pagluha ng mata at ang paninikip ng dibdib na bigla nalang nag uumpisa.
Pasabi naman sa kanya na ako ngayon ay balisa, balisa sa kakaisip kung sino at ano na ang nagpapasaya sa kanya.
Pasabi naman sa kanya na ako’y nanalangin sa Maykapal na sana muling maging isa.
Sa tingin mo ba lahat ng aking nadarama ay mapatutunguhan pa?
O unti unti ko na lang bang tatanggapin at haharapin ang araw at katotohanan at sanayin na ang sarili na kami’y wala na?
Hanggang dito nalang ba talaga tayong dalawa o ako pa ba’y aasa na tayo’y may pag-asa pa?
Kahit alam ko na tayong dalawa ay nasa katapusan na ng ating istorya,
Sarili at nararadaman ng puso’t isipan ay di mapigilan, nagbabakasakali na kung itong liham ay yung malaman mag bago ang isip at makipag balikan.
Pasabi naman sa kanya na pinipilit ko lang ang sariling maging masaya.
Pero ang hiling sa isipan ay matigil ang paghinga para ang sakit at lungkot ay tuluyan ng di madama…
Pasabi naman sa kanya na bakit kailangan humantong sa ganitong eksena? Bakit kailangan sabihin na kalimutan at palayain nalang siya? Bakit kailangang sabihin na siya’y nakapag umpisa na at sa aking pag tawag siya ay aking naabala?
Pasabi naman sa kanya na ang pangakong siya’y makasama ay ang pinipintig at sinisigaw parin ng pusong nangungulila sa kanyang presensya.
Pasabi naman sa kanya, bakit mas kailangan niyang piliin sarili niya kesa sa aming dalawa?
Pasabi naman na baka ito na ang mga huling letra na maisulat ko para sa kanya.
Pasabi naman na siyay mahal na mahal pa rin kahit kami’y malayo na sa isat-isa.
Pasensya na kong ang aking pakikisuyo Na maipaabot ang nadarama sa kanya ay inilathala lamang sa mga nabuong letra.
Pasabi naman sa kanya, na pipilitin ko nalang maging masaya sa mga huling sandaling natitira.
Pasabi naman na ako’y walang pinag sisihan sa istorya na minsan naming sinumulan kasama ang pangako na sana walang hanggang pero humantong sa hiwalayan.
Salamat kaibigan sa pag bigay ng panahon sa aking huling liham para sa babaeng minahal ko ng lubusan at minsang pinagplanohang pakasalanan pero ngayon ay andito sa hangganan.
Pasabi naman sa kanya, pwede ba?
Current Article: