Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

July “Ang Pag-Amin”
Dalawang taon na ang nakalipas nung nasabi ko sa sarili ko na gusto ko siya. Unang titig ko palang sa kanya alam ko na may kakaiba sa kanya. Mayroon siyang kakaibang awra na hindi mo maiiwasang mapalapit sa kanya. Isa siyang misteryo na nagkatawang lupa. Naghasik siya ng pagmamahal sa puso ko na hindi ko napigilan ang sarili ko na mapalapit sa kanya; pero biro lang yun. Ang totoo, isa siyang pangarap na gusto kong maabot. Isang simpleng pangarap na gusto ko paghirapan makuha. Wala na akong mahahanap na katulad niya e. Nagiisa lang siya siya dito sa mundo. Kaya nung may pagkakataon akong sabihin sa kanya na gusto ko siya sinabi ko na agad pero hindi sa personal; yun lang ang problema.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required