Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kaya pala hindi naging tayo
Dahil panglabas na anyo lang ang tinitignan mo
Kaya pala hindi naging tayo
Dahil ang tanging gusto mo lang ay maglaro
Ang paikutin sa mga kamay mo ang lahat ng babaeng pinapaibig mo
Muntik na kong maniwala sa lahat ng pinakita at pinaramdam mo
Pero buti na lang at dininig ng Diyos ang dasal ko
Na protektahan ang puso ko at ilayo sa maling tao
Kaya pala hindi naging tayo
Dahil hindi ikaw yung tamang tao na nakatadhanang mag-ingat sa puso ko hanggang sa dulo

Send me the best BW Tampal!

* indicates required