Kayang magpatawad e, pero yung makalimutan mo? Hindi yata? Oras oras kang magtatanong kung naging sobrang sama mo ba para gawin yun sayo, kung deserve mo ba talaga yung pain at yung masakit na salitang sinasalo mo.
Lagi nilang sinasabi na regalo sa sarili ang pagpapatawad. Tayo na nga yung sinaktan tayo pa yung may responsibilidad na mag-ipon ng lakas para magpatawad. Wala tayong pamimilian.
Magpatawad? Siguro. Kaya siguro pero mahaba pang proseso. Makalimot? Ewan. Siguro kaya ring makalimot.
- Mapagpalaya ang pagpapatawad.
Lalaya din tayo sa nakaraan
Lalaya sa masakit na salita
Lalaya sa pangit na karanasan
Lalaya sa maling desisyon
Lalaya sa galit at lungkot
Makakapagpatawad tayo at makakalimot
Dahil mapagpalaya ang pagpapatawad