Mga bagay na nakakapagpabagabag
- Naka-online siya pero hindi siya nagchachat.
 - Na-seen niya stories ko sa ig pero hindi pa rin siya nagchachat.
 - Ako last na nagchat sa kanya, pero bakit hindi niya pa rin nirereplyan?
 - Dapat ba kong magpapansin sa stories ko para makapagcomment siya?
 - Dapat ko na ba siyang i-chat kahit hindi pa siya nakakapagreply sa chat ko sa kaniya kahapon?
 
Mga bagay na hindi na dapat pinag-iisipan pa.
- Naka-online man siya, hindi ko siya papansinin.
 - Ang stories ko sa ig ay hindi lamang para sa kaniya.
 - Kung hindi siya magrereply, fine. I have my dignity and self respect.
 - Gawing makabuluhan ang ig stories para sa sariling kaligayahan at hindi para sa kasiyahan ng iba.
 - Magtira ng kahihiyan sa sarili. Ang mga taong hindi sa iyo naglalaan ng oras at panahon ay hindi rin dapat pagkaabalahan pa.
 
Mga bagay na pinipilit mo pa rin.
- Naka-online siya, baka pwedeng isang chat pa.
 - Na-seen niya stories ko sa ig, baka concern pa rin siya sakin.
 - Baka busy lang siya kaya hindi pa siya nakakapagreply.
 - Mag-a-ig story ako ng bagay na makakarelate siya.
 - Last chat ko na talaga ito sa kanya.
 
                                                        
                                                        
                                                        
                                                        
                                                        


                                                
                                                
