Sa bawat nobelang nababasa
Sa mga telenobelang napapanuod na
Sa mga musikang paulit-ulit kong kinakanta
Nagmumukha na naman akong tanga.
Tanga, sa kadahilanang ika’y naaalala
Iniisip ang mga sandaling magkasama
Na sana’y magkaaminan na
Naku, nangagarap nanamang mag-isa.
Oo, pinapantasya kita
Planado na yung magiging kasal nating dalawa
Nasa utak ko na nga ang mga putahing ihahanda
Sagot mo nalang na OO at matutuloy na
Teka, realidad nga lang muna
Magkaibigan nga lang pala
Na gawa-gawa lang lahat ang storya
Storyang sa akin ay nagpapasaya
Magjowa nga pala ang tingin sa ‘tin ng iba
Na sa tuwing tayo’y magkasama, wari’y wala sila
Na para bang iba yung mundo natin sa kanila
Na tila ba’y tayo lang ang magkakonekta.
Tama na nga muna tong mga drama
Ipagpatuloy nalang natin tong nasimulan na
Na hanggang magkaibigan nalang sinta
Dahil alam kong wala din namang pag-asa