Sandigan
Categories Poetry

Sandigan

Sa mundong walang kaalam alam
Magulang ang syang naging sandigan.
Bgo pa man ako isinilang,
Ramdam ko na, na sila ay nandyan.

sa bawat hakbang ko sa mundong ‘to,
Sila ang nagsisilbing ilaw ko.
Sa mundong ito ako’y natuto
Dahil mahusay silang magturo.

Sa bawat patak ng aking luha,
Sa oras na ako’y may problema,
Sila ang nagsisilbing panyo ko
At nagbibigay ng mga payo.

Magulang ko’y di ko ‘kakahiya
Sapagkat sila’y tunay na dakila.
Walang bagay na makapupuna
Sa pag ibig na kanilang dala.