DUMAAN KA LANG BA?
Categories Poetry

DUMAAN KA LANG BA?

DUMAAN KA LANG BA?

Habang nakahiga sa kama,
Pangalan mo bigla ang naalala…
Saan at kamusta ka na kaya?
Naalala ko ang nagdaang nakakatuwa.

Mga nangyari, sa isip ay sariwa
Bawat detalye ay tandang-tanda…
Mga panahon na tayo unang nagkita
Napangiti lang, dahil ‘di nakapagsalita

Oo, minsan sa buhay ko, ika’y parte
Tila isang kumot sa malamig na gabe
wala akong karapatan para mag-inarte
Kumot ma’y kapus, pagkakasyahin ang sarili

Dumaan ka lang ba…
Para imulat ang aking mga mata?
Dumaan ka lang ba…
Para may ituro’t may ipakita?
Dumaan ka lang ba…
Para sa’kin ay may ipadama?
O, Dumaan ka lang…
Para bigyan ako ng kaligayahang pansamantala?

Prev Tinta
Next Melancholic