Current Article:

Para Sa Mga Single Pa Rin Hanggang Ngayon

Para Sa Mga Single Pa Rin Hanggang Ngayon
Categories Bdub

Para Sa Mga Single Pa Rin Hanggang Ngayon

Oo! Alam kong single ka pa. Pero sana alam mong okay lang yon.

Sa panahon ngayon na naglipana ang dating apps, kasalanan na ang ‘di lumandi at ‘di magka-jowa.

Sa panahon ngayon na lahat ng kaibigan mo ay in a relationship, kasalanan na ang mapag-iwanan ka.

Sa panahon ngayon na pini-pressure ka ng lahat na magka-jowa, kasalanan na ang maging single.

Sana alam mong lahat ng yan ay mali. Hindi kasalanan ang maging single kahit ilang taon ka pa ngayon. 

Walang masama sa pagiging single. Okay lang yan.

Alam mo kung anong mali? 

‘Yong pumasok ka sa isang relasyon na hindi ka pa handa.

‘Yong magmahal ka ng taong hindi ka naman mahal.

‘Yong ipagpilitan mo ang sarili mo sa taong hindi ka gusto.

‘Yong niloloko ka na pero hinahayaan mo lang.

‘Yong patuloy mong sinasaktan ang sarili mo ng mga bagay na dapat hindi mo inaalala. Katulad na lang ng mga sinasabi ng iba dahil single ka pa rin hanggang ngayon:

“Di ka kasi jowable.”

“Ang taas kasi ng standards mo.”

“Di ka kasi gustuhin.”

“Lumandi ka kasi. Ang boring mo naman.”

“Tatanda ka atang dalaga eh.”

And the list goes on and on.

Ngayon, makinig ka sa akin.

Oo. Single ka. Choice mo man yon or no choice ka na lang, single ka for a reason. 

Siguro single ka kasi hindi ka pa handa.

Siguro single ka pa kasi sobra kang nasaktan sa past relationship mo na hindi mo pa kayang magmahal ulit.

Siguro single ka pa kasi ‘di mo priority ang magka-jowa.

Siguro single ka pa kasi bawal pa sabi ng mga magulang mo at gusto mo lamang sumunod.

Siguro single ka pa kasi ‘di pa ito yong tamang panahon para maging masaya ka sa piling ng isang lalaki.

Siguro single ka pa kasi marami ka pang responsibilidad sa pamilya.

Siguro single ka pa kasi marami ka pang pangarap para sa sarili mo.

Siguro single ka pa kasi ‘di mo pa ganun kamahal ang sarili mo. Hindi mo magawang magmahal ng ibang tao, kung mismong sarili mo ‘di mo kayang mahalin.

Take all the time you have to exercise self-love. Turn your singlehood into something positive, kasi ‘di negative ang pagiging single.

Gamitin mo ang oras na ito para ihanda ang sarili mo sa taong ibibigay sa’yo ni Lord. 

Mahalin mo muna ang sarili mo.

Ayusin mo muna ang sarili mo.

Buohin mo muna ang sarili mo.

You are single, but you are still loved. Your worth as a person should never be defined by your singleness.